Limang taon na rin akong pabalik-balik sa Cultural Center of the Philippines. Madalas, tuwing Agosto dahil sa Cinemalaya. No’ng 2015, kung sa’n perstaym ko maka-attack, puro short films ang In Competition. Nag-reboot kasi ang filmfest.
Ngayon, dahil sa lalong tumitinding krisis pangkalusugan dulot ng pagpapabaya ng estado, puro short films ulit ang nasa Main Competition ng Cinemalaya. Nauulit ang kasaysayan. Pero iba ngayon. Delikado sa halos lahat ng aspeto. Kailangan nating mag-ingat, magpalakas at maging mapagmatyag.
Mapapanood na ang ilang mga pelikula simula alas dose ng madaling araw, August 7, sa Vimeo. Kung wala pa kayong tix, iskor lang dito:

Nasa baba ang halos lahat ng mga pelikulang kabilang sa 16th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival na susubukan nating malagyan ng tula-tala-kapsula:
MAIN COMPETITION:
1. The Slums – ★★★★★
2019 🇵🇭
✍️ Jan Andrei Cobey
Aparato ng estado. Ganito ikinakahon ang mahirap ng mga nambibilog ng ulo: Dapat walang lamesa, dapat hindi masarap ang ulam, dapat payat, dapat iba, dapat malungkot, dapat hindi okay. “‘Wag na ‘wag mong gagawin sa kapwa mo, sa kahit na anong kadahilanan, o kahit na anong rason, o sino, o kailan, o saaanman manggaling at saan man pupunta. And I, thank you.”
2. Excuse Me, Miss, Miss, Miss – ★★★★½
2019 🇵🇭
Sonny Calvento
✍️ Arden Rod Condez
3. Tokwifi – ★★★★
2019 🇵🇭
✍️ Carla Ocampo
4. Ang Pagpakalma sa Unos / To Calm the Pig Inside – ★★★★
2020 🇵🇭
✍️ Joanna Arong
5. Ang Gasgas na Plaka ni Lolo Bert – ★★★★
2019 🇵🇭
✍️ Janina Gacosta
Cheska Marfori
6. Pabasa kan Pasyon / Chanting the Passion – ★★★½
2020 🇵🇭
✍️ Hubert Tib
7. Quing Lalam Ning Aldo / Under the Sun – ★★★
2020 🇵🇭
✍️ Reeden Fajardo
8. Living Things – ★★★
2020 🇵🇭
✍️ Martika Escobar
9. Utwas / Arise – ★★½
2019 🇵🇭
✍️ Arlie Sweet Sumagaysay
Richard Jeroui Salvadico
Sumisisid tayo sa pagbabakasakaling aahon tayong magiging maayos ang lahat. Binibilang natin ang segundo ng mga pagkakataon. Sumasabog sa muk’a natin ang mga komplikasyon. Nalulunod tayo sa problema hanggang malagutan tayo ng hininga.
10. Fatigued – ★★½
2020 🇵🇭
✍️ James Mayo
PREMIERES:
1. Heneral Rizal – ★★★★
2020 🇵🇭
Chuck Gutierrez
✍️ Floro Quibuyen
2. Basurero – ★★★
2019 🇵🇭
✍️ Eileen Cabiling
Lumulutang ang pangamba habang nalulunod sa problema. Ito ang siklo ng karahasan at mitsa ng pag-iitsa. Wala nang isda sa dagat kaya nangingisda sila sa lupa.
‘Nang Em
2020 🇵🇭
✍️ Maria Suzette Ranillo
DOKYU:
1. Overseas – ★★★★★
2019 🇧🇪🇫🇷
✍️ Sung-a Yoon
Bukas na ang trono. Kiskisin hanggang pumuti. Metikuloso. Bawal ang dumi. Demonstrasyon. Proseso ng propesyon. Babae. Bulnerableng sitwasyon. Bumabaha ang problema. Walang oportunidad sa sariling bansa. “Hindi gid kamo maghibi sa atubang sa inyo nga amo. (Never ever cry in front of the employer.) It shows weakness. Filipinos are not weak.”
2. Elehiya sa Paglimot – ★★★½
2020 🇵🇭
✍️ Kristoffer Brugada
“Rumurupok na ang pundasyon ng lumang bahay natin. Gaya nang paghina ng ‘yong memorya.” May dilat pero patay-sindi ang ulirat. May digmaan ng desisyon sa paglala ng kondisyon. Hanggang dumating ang hangganan. Humihinto ang tibok. Lumalamig ang katawan. Tumutula ang kamatayan. May taning ang mga alaala at estrangherong relasyon.
INDIE NATION FULL-LENGTH:
1. Watch Me Kill – ★★★★½
2019 🇵🇭
✍️ T.A. Acierto
Magaspang ang mundo. “Sabi nila, dalawang beses daw namamatay ang isang tao.” Walang pakiramdam. Walang pakundangan. Patay na buhay. Buhay na patay. Kalmado. Sumasabog. Amoy-gomang nasusunog.
2. Circa – ★★★
2019 🇵🇭
✍️ Adolfo Alix Jr.
3. Jesusa – ★
2019 🇵🇭
✍️ Ronaldo Carballo
Masahista. Manikyurista. Masokista. Durugista. 😀
INDIE NATION SHORTS:
Grand Gestures – ★★★★½
2020🇵🇭
✍️ Cody Abad
Kabaong ng emosyon. Tahimik pero maingay. Distansya ng eksistensya. Malapit pero malayo. Hindi mo na halos malunok ang pagluluksa. Malalagas ang dahon. Bukas na ang bintana, maleta, pakiramdam.
OctoGod – ★★★★
2019 🇵🇭
✍️ Shievar Olegario
Birtwal na disenyo ng komodipikasyon. Nakakulong tayo sa sapot ng mga kondisyon. Nalululong tayo sa labis-labis na ilusyon. Patay-sindi ang panahon at mga pagkakataon.
Gulis / Lines – ★★★★
2019 🇵🇭
✍️ Kyle Francisco
Nakaguhit raw ang tadhana sa ating mga palad. Positibong resulta. Negatibong balita. Paano ba gamitin ang mga salita? Gumuguhit ang luha sa pisngi. Gumuguhit ang ngiti sa labi. “♫ Keng dalumdum ning yatu, ika ing magsilbing sala at sulu ♫ (In the darkest of days, you light up my world).”
Jepoy – ★★★
2020 🇵🇭
✍️ Avid Liongoren
Tarang / Life’s Pedal – ★★★
2020 🇵🇭
✍️ Arvin Belarmino
Si Gloria at si Juan – ★★★
2020 🇵🇭
✍️ Gilliano Salvador
Ang Meron sa Wala – ★★★
2020 🇵🇭
✍️ Arby Laraño × Christine Laraño
Dama de Noche – ★★★
2020🇵🇭
Lawrence Arvin Sibug
✍️ Nathan Perez
Sakmit / Seize – ★★½
2019 🇵🇭
✍️ Seph Tan
Siklo ng trahedya at inhustisya. Nabubuwal tayong parang troso sa t’wing kinikitlan tayo ng karapatan. Hindi umiikot ang mundo sa tao. Walang kaluluwa ang mga mapagmanipulang puwersa lalo na ang mga naglalaway na kapitalista mula sa sementadong gubat. Walang tunay na pagbabago hangga’t may kultura ng impunidad.
Ang Nawalang Haligi
2020 🇵🇭
Sarah Mya Regacho
✍️ Bernadette Mallari
Habak / Charm
2020🇵🇭
✍️ Christian Paolo Lat × Mia Salisbury
Himagsik ng Hiwaga
2020 🇵🇭
✍️ Geoffrey Solidum
✍️ Jane Almira
Igib
2020 🇵🇭
✍️ Joey Paras
Kung Saan Patag ang Mundo
2020 🇵🇭
✍️ Dolliete Cristi Mari Echon
Paon / Bait
2020 🇵🇭
✍️ Seb Valdez
Pinakanakapagpapabagabag-damdamin
2020 🇵🇭
✍️ Jermaine Tulbo
Mata
2020 🇵🇭
✍️ Bryan Kenette Padilla
Displaced
2020 🇵🇭
✍️ Aedrian Araojo
Sumasaiyo
2020 🇵🇭
✍️ Jermaine Tulbo
Tahanan
2020 🇵🇭
✍️ Mick Quito
VISIONS OF ASIA:
Beloved
2018 🇮🇷
Yaser Talebi
✍️ Farzaneh Fathi × Reza Shirvani
My Little Goat
2018 🇯🇵
✍️ Tomoki Misato
The Rooftop
2020 🇮🇳
✍️ Avirup Biswas
ある日本の絵描き少年 / A Japanese Boy Who Draws
2019 🇯🇵
✍️ Masanao Kawajiri
ALLIED FESTIVAL:
A Sunny Day
2019 🇲🇦
✍️ Faouzi Bensaïdi
Hungry Seagull
2019 🇨🇳
✍️ Leon Wang
Olmo
2019 🇮🇹
✍️ Silvio Soldini
✍️ Valentina Cicogna
Tuã Ingugu / Water Eyes
2019 🇧🇷
✍️ Daniela Thomas
KLIK TAYO:
- 15th Cinemalaya: https://arkibero.com/2019/08/07/paglipad-ng-haraya-pagputok-ng-historya-lagom-ng-cinemalaya-2019/
- 14th Cinemalaya: https://arkibero.com/2018/08/14/lagom-14th-cinemalayas-wings-of-vision/