Cinemaddict: Aug 2022 Film Log


1. 12 Weeks – ★★★★½
2022 🇵🇭
🎬✍️ Anna Isabelle Matutina

Awtonomiya sa anatomiya. May digmaan ng desisyon sa tuwing bumibigat at nalalaglag ang alinlangan. Ito ang siklo ng bumabaligtad na sikmura sa tuwing kumakapit ang usok ng lumulubong represyon sa kababaihan. “Never Again.”


2. Nope – ★★★★
2022 🇺🇸🇯🇵🇨🇦
🎬✍️ Jordan Peele

Kayod-kabayo tayong naghahanap ng atensyon sa gitna ng ungguy-unggoyan. Hiihigupin nila tayo pataas upang hilahin lang din pababa. Ganito tayo nilalamon ng sistema. Sinusuka kapag wala nang kuwenta. Pinaglalaruan lang nila tayo bilang huling mga baraha.


3. Memories of a Love Story – ★★½
2022 🇵🇭
🎬✍️ Joselito Altarejos

Paulit-ulit tayong pinapalayas ng oras. Ito ang paalala ng mga alaala, ang agwat sa pagitan ng langit at lupa, ang mga kamay na hinding-hindi magtatagpo habang tinatangay ng hangin palayo ang ngayon sa noon.


ⓒ 12 Weeks

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s