Memorialisasyon: Philippine Cinema’s Best Scenes of 2021


Nasa ang baba ang personal na mga nagmantsang eksena sa Philippine Cinema no’ng 2021:

Ending | Rabid: HM?

Isa na marahil sa pinakanakakabalisa o nakakapraning na sintomas ng COVID-19 ay ang mawalan ng panlasa. Pero sa pelikulang Rabid, malasa at masarap sa mata ang pinakahuling kuwentong ‘HM?’ kung saan sentral sa naratibo ang sikretong sangkap. Bago ang mga huling sikwensya, naluluhang nagbahagi si Princess Mallari (Donna Cariaga) sa mga ka-online meeting kung ga’no kahirap ang kasalukuyang sitwasyon na parang hindi mo na alam minsan kung tama pa ba ‘yung ginagawa mo. ‘Nakakapagod din po.’ Totoo. Para kang masisiraan ng ulo at sobrang hirap maghanap ng trabaho sa Pilipinas lalo na no’ng dumami ang mga kompanyang nagsarado at nagbawas ng mga empleyado.

Nagsimula ang pinakanagmantsang mga eksena nang umabot sa puntong wala nang kontrol ang anak n’yang si Nico (Yñigo Delen) at hayok na hayok na nilalantakan lagi ang niluluto n’yang kare-kare dahil sa isang lihim na resipeng nakahalo rito. Malagim ang mga sumunod na nangyari nang sumugod na rin ang kapitbahay n’yang si Sam (Chrome Cosio) na maulol-ulol na sa paghihintay ng order nito hanggang sa mapuno na ng mga nagwawalang buhay na patay ang paligid ng bahay. Matingkad na nagsarado ang pelikula sa sunod-sunod na notifications sa laptop na natanggap na si Princess sa iba’t ibang kompanyang inaplayan n’ya habang unti-unti s’yang inuubos ng mga tao o nilalamon ng sistema na nagsilbing kulminasyon ng matalas na komentaryo ng direktor sa krisis sa pandemya, pinansya, at social media.”

Michiko Yamamoto, scriptwriter: “Production didn’t anticipate they would need so much menudo for that scene. (It was kare-kare on film but the director doesn’t eat kare-kare so he made them cook menudo instead.) After that scene, owner of the house got angry seeing his interior covered everywhere in brown sauce.”

OTHER BEST SCENES SUBMITTED TO SOCIETY OF FILIPINO FILM REVIEWERS (SFFR):

  • Donato Rapido reenactment | Big Night!
  • “Divine Revelation” | Kids on Fire
  • Amazing Ha & Hernando Show | Historya ni Ha
  • “Si Filemon” karaoke | Filipiñana

KLIK TAYO:

Unang nalathala sa Pinoy Rebyu’s “10 Best Scenes of 2021” ng SFFR:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s