Cinemaddict: Dec 2022 Film Log


1. Bones and All – ★★★★★
2022 🇮🇹🇺🇸
🎬 Luca Guadagnino
✍️ David Kajganich × Camille DeAngelis

“Let’s be people. Let’s be them for a while.” Hanapin mo sa mapa ang siyudad ng mga posibilidad. Huwag mo kong iwasan. Hayaan mong humiwalay ang laman sa katawan. Ubusin mo ko. Ito ang lasa ng alinlangan. Walang espasyo sa mga dayuhan o pangkaraniwan.


2. Kapag Wala Nang Mga Alon – ★★★★½
2022 🇵🇭🇩🇰🇵🇹🇫🇷
🎬✍️ Lav Diaz

Kumakaway ang mga kaaway. Binabalatan tayo nang buhay. Nagnanaknak ang sugat. Nabubulok hanggang kaluluwa. Sumasayaw ang alon sa pampang ng karuwagan at kamangmangan. Nalulunod tayo sa baptismo ng korapsyon. “Paano mo iimbestigahan ang Diyos? Sa kasaysayan ng mundo, sa kasaysayan ng tao, Siya na yata ang pinakamagaling magtago.”


3. Everything Everywhere All At Once – ★★★★½
2022 🇺🇸
🎬✍️ Daniel Kwan × Daniel Scheinert

Biswal na kaangkupan sa gitna ng kalabisan at kaguluhan. Patong-patong na ang labada. Paikot-ikot lang ang problema. Hindi tayo makatakas sa nagsasanga-sangang mga daan. Krisis sa eksistensya. Kailangang makahinga kahit walang pahinga.


4. Kitty K7 – ★★★★
2022 🇵🇭
🎬 Joy Aquino
✍️ Pam Miras

Habol-hininga mong hubaran ng titig ang kabuuan. Ito ang kapangyarihan ng birtwal nating tagpuan. Huwag na huwag mong pandirihan ang sukdulan, ang kaluluwa ng katawan ko’t pangalan, habang masining na sumasabog ang bulkan.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s