Cinemaddict: Jan 2022 Film Log


1. Historya ni Ha – ★★★★½
2021 🇵🇭
🎬✍️ Lav Diaz

Bumabaha ang paalala: “Ang walang saysay at walang katarungang kamatayan ng isang Pilipino ay kamatayan ng kaluluwa ng bayan. Ang walang saysay at walang katarungang kamatayan ng isang nilalang ay kamatayan ng kaluluwa ng mundo.” Ito ang propesiya ng pagkadismaya sa mga naitalaga mula Timog hanggang Hilaga. “A-Ba-Ka-Da-E-Ga-Ha-I-La-Ma-Na-O-PARA SA TAO-Wa-Ya.” Wala nang halaga ang mga kataga kung paulit-ulit tayong nakikipagkompromiso sa mga demonyo. Sirang plaka ang piyesa ng pagmamanipula. “Pangulo na ang abogado, senador na ang gago, pinuno na ang tarantado, naglaho na ang totoo.” Paulit-ulit tayong nagiging biktima ng ating panahon. “Hanggang kailan mananatili ang ganitong pagpapabaya?” Kailangang pumiglas, kailangang bumalikwas, kailangang lumakas. (https://boxd.it/2u0hr5)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s