Cinemaddict: July 2020 Film Log


This slideshow requires JavaScript.


1. Kinabukasan – ★★★★½
2014 🇵🇭
📽️✍️ Adolfo Alix Jr.

Magpaparamdam. Magpapakita. Magpapaalala. “Makikinig s’ya sa aking salaysay at mga talumpati ukol sa daigdig, ukol sa digmaan, sa bayan, sa uri.” Mga huling metapora ng paglaya bago tuluyang malagutan ng hininga at bago sumapit ang mga araw na wala ka na


2. Aswang – ★★★★
2019 🇵🇭🇫🇷
📽️✍️ Alyx Ann Arumpac

Mga bangungot ng konsikwensya at inhustisya. Palsipikasyon ng ebidensya sa mga puntirya. Walang konsensya. Walang totoong demokrasya. “Nilalamon ng takot ang tatag.” Kinakain tayo nang buhay. Amoy-bangkay ang hangin sa mga maralitang taga-lungsod. “Palutang-lutang ang kamatayan sa ilog at dagat.” Hindi droga ang pumapatay sa tao kundi isang gobyernong berdugo ang nagpapatakbo. “Huwag matakot: Duterte, patalsikin! Pasismo, biguin!”


3. Dronningen / Queen of Hearts – ★★★★
2019 🇩🇰
📽️✍️ May el-Toukhy
✍️ Maren Louise Käehne

May muhon ang libog at relasyon. “Sometimes what happens and what must never happen are the same thing.” Lumalangoy tayo sa gubat ng emosyon. Walang kasarian ang kahinaan at kapangyarihan.


4. Sala samobójców. Hejter / Suicide Room: Hater – ★★★½
2020 🇵🇱
📽️ Jan Komasa
✍️ Mateusz Pacewicz

Paninirang-puri. Manipulasyon. Misimpormasyon. Malalim ang mata ng mga gawa-gawang kuwento. Birtwal at aktwal tayong pinapaikot-ikot habang umiikot ang mundo.  “Verba volant, scripta manent / Words fly away, writings remain.”


5. Still Lives – ★★★½
1999 🇵🇭
📽️✍️ Jon Red

Kape, kantot, karagatan, kamatayan. Walang pinto. Walang bintana. Walang nagbabago. Hindi gumagalaw ang mundo. Nakakahon tayong ipinanganak, mamatay tayong nakakahon. “Kung merong pamatay sa lamok, merong pamatay sa antok.”


6. The Old Guard – ★★★½
2020 🇺🇸
📽️ Gina Prince-Bythewood
✍️ Greg Rucka × Leandro Fernandez

Siklo at sikreto. Imortalidad ng mga mersenaryo. Walang katapusan ang karahasan at sabwatan. Lahat ng bagay ay may hangganan ngunit walang kasiguraduhan.


7. Pinoy Sunday – ★★★
2009 🇹🇼🇵🇭
📽️✍️ Wi Ding Ho
✍️ Ajay Balakrishnan

Ilustrasyon ng komportableng ilusyon at kulay ng kahirapan. Linggo. Araw ng pahinga, nang paghinga. Kailangang bumitaw, umupo, tumigil ang mundo kahit sandali, kahit isang araw.

2 responses to “Cinemaddict: July 2020 Film Log

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s