Sa Ngalan ng Karapatan at Wastong Pagtalima: Paghahanap sa “Bibliya” ng SangkaSLSUhan
written with Sparkista (miyembro ng The Spark)
Ika-17 ng Marso, 2007 nang ideklara ang dating SLPC bilang isang unibersidad at tawaging SLSU sa bisa ng R.A. 9395. Kaakibat ng pagiging ganap na unibersidad nito, maraming mga pagbabago ang kinakailangang sumabay sa hakbang na ito tungo sa pag-unlad. Isa na rito ay ang matagal ng kawalan ng Student Handbook ng bawat estudyante nito.