1. Rabid – ★★★★
2021 Erik Matti
✍️ Leovic Arceta × Mary Rose Colindres × Michiko Yamamoto
Hindi tayo inuuto ng engkanto. Pinaglalaruan tayo ng estado. Hindi na tayo makahinga. Pinagtitripan tayo hanggang sa huling hininga. Nagkakarambola ang langaw na nakadapo sa ibabaw ng sungay, sa ibabaw ng hukay.