1. Abu Omar – ★★★★½
2020 🇮🇱🇫🇷 ✍️ Roy Krispel
Unipormado ang harang. Pinagpapasa-pasahan. Kailangang makadaan. Tirik na tirik ang araw. Natutunaw na ang pag-asa. Naaagnas, tumatagas, nangangamoy, naduduwal. Ito ang bagahe ng mga bahagi. Maalala n’ya palagi. Nabubuwal na ang haligi.
2. Sin señas particulares / Identifying Features – ★★★★½
2020 🇲🇽🇪🇸 ✍️ Fernanda Valadez
✍️ Astrid Rondero
Pinipilit nating hanapin ang tatag. Sa mga ebidensya ng kademunyuhan. Sa gutay-gutay na dyaket, short, pantalon, at t-shirt. Sa putik-putik na mga lalagyan at bag. Sa suson-susong sunog na bangkay na ‘di na halos makilala. May muhon ba ang migrasyon sa malawak na damuhan, dam, at disyerto? Unti-unti na tayong nawawala sa mapa. Hanggang saan ba ang hangganan ng sumpa?