“♫Sa imahinasyon kakapit, buksan ang telon!♫”
Tulad no’ng nakaraang taon kung saan unang beses ko makanood physically ng Virgin Labfest (VLF) (https://arkibero.wordpress.com/2019/06/23/kardiyalogo-lagom-ng-virgin-lab-fest-2019/), kakaiba rin ang danas nang panonood online dahil kayang makapagpalitan agad ng komento nang ‘di nakaaabala sa ibang audience habang tumatakbo ang bawat palabas.
Maraming sirkumstansya ang kinaharap ng mga mandudula ng VLF mula sa krisis sa pandemya hanggang sa unstable na internet connection pero walang makapipigil sa pagsigaw ng sining.
“In the event that the live stream is interrupted, please standby. The show will resume shortly.”
“♫Tuloy ang palabas kahit maipit.♫” Hindi usapin ang pisikal na distansya at limitadong espasyo dahil sining ang isa sa pinakamabisang gamot sa panahon ng pandemya at inhustisya.
“♫Kapit-puso♫: Junk Terror Bill!
10 ONE-ACT PLAYS:
1. Titser Kit – ★★★★★
2020 🇵🇭
✍️ Jobert Grey Landeza
📽️ Adrienne Vergara

Mga bodega ng takot at bulnerableng sitwasyon. Hindi pribilehiyo ang edukasyon kundi isang karapatan na tinatamasa dapat ng lahat ng kabataan. “Lumadlaban!”
2. Multiverse – ★★★★★
2020 🇵🇭
✍️ Juliene Mendoza
📽️ Fitz Edward Bitana

Ganito natin hinahanap ang mga sagot, hinaharap ang mga tanong, upang maibsan kahit konti ang bigat ng pakiramdam. Minsan, ito ang esensya ng eksistensya, ang memorialisasyon sa ibang dimensyon, ang pangarap na bersyon ng uniberso lalo na kung estranghero ang nakaraan nating relasyon.
3. Mayang Bubot sa Tag-araw– ★★★★★
2020 🇵🇭
✍️ Norman Boquiren
📽️ Mark Mirando

Istorya ng minorya. Proteksyon sa lupaing ninuno laban sa mga mang-aagaw ng tirahan, kabuhayan at kinabukasan. May hangganan ang relasyon pero walang muhon ang pagbalikwas lalo na kung labag sa karapatang pantao.
4. Papaano Turuan ang Babae Humawak ng Baril – ★★★★½
2020 🇵🇭
✍️ Daryl Pasion
📽️ Erika Estacio

Mga bangungot ng abusadong paramilitar. Sa karahasan, may ipapanganak na pag-asa kahit walang mukha ang giyera. Trahedya ng pagiging babae sa panahon ng digmaan.
5. Pilot Episode – ★★★★½
2020 🇵🇭
✍️ Floyd Scott Tiogangco
📽️ Giancarlo Abrahan

Personal at pulitikal na kontradiksyon. Hindi pwedeng laging takbuhan ang mga bagay-bagay. Kailangan nang matinding pag-intindi kung may pinagdadaanan dahil usapin ito ng mentalidad at mortalidad.
6. Blackpink – ★★★★½
2020 🇵🇭
✍️ Tyron Casumpang
📽️ Jethro Tenorio

Kulay ng ekwalidad sa sekswalidad. Pahayag ng pagtanggap at pagmamahal sa malawak na mundo ng homosekswalidad at sa iba’t ibang mukha rin ng heterosekswalidad. Walang kahon pero may bayong ang SOGIE.
7. Doggy – ★★★★
2020 🇵🇭
✍️ Dustin Celestino
📽️ Roobak Valle

Magkabilaang posisyon at disposisyon. Butas-butas na selos at petisismo. Singsing ng toksisidad at insekyuridad sa nakaraang relasyon.
8. The Boy-Boy & Friends Channel – ★★★½
2020 🇵🇭
✍️ Anthony Kim Vergara
📽️ Joshua Tayco

Layon at importansya ng impluwensya. Plataporma ng sensibilidad at responsibilidad mapa-aktwal o birtwal man.
9. Dapithapon – ★★½
2020 🇵🇭
✍️ Jay Crisostomo IV
📽️ Sig Pecho

Panahon ng pag-aalala at pag-aalangan. Hinding-hindi tayo magiging handa pero kailangang harapin ang responsibilidad at pagtanda.
10. Gin Bilog – ★★
2020 🇵🇭
✍️ Luisito Nario
📽️ James Harvey Estrada

Lulong sa mikropono ng karahasan. Alulong ng galas habang gumegewang ang paligid. And now, the end is near. Lasang dugo ang alak.
3 REVISITED PLAYS:
1. Wanted: Male Boarders – ★★★★★
2019 🇵🇭
✍️ Rick Patriarca
📽️ George De Jesus III

Pansamantalang tirahan: “Makalipas ang isang buwan.” Permanenteng batayan: “Ang feelings, universal; ang prejudice, wit.”
2. Anak Ka Ng – ★★★★½
2019 🇵🇭
✍️ U Z. Eliserio
📽️ Maynard Manansala

Sangay at sungay. Susmarya. Tumatayo, tumataya. Tinapa, tipaklong, teteng, tokwa.
3. Fangirl – ★★★★
2019 🇵🇭
✍️ Herlyn Alegre
📽️ Charles Yee

Punit na tiket. Anatomiya ng pantasya. Gamot sa lungkot. Debosyon. Desisyon. Desperasyon.