No’ng Biyernes pa!
Nakailang silip yata ako no’ng Abril at Mayo sa www.youtube.com/weareone kung kelan magsisimula ang We Are One Global Film Festival dahil nakakalimutan ko lagi ‘yung date at ‘di ko naise-set as reminder.
Limitado. Nagsimula ang libreng digital film festival no’ng May 29 at kailangang sipagan ang panonood dahil hanggang June 7 na lang yata ito sa YouTube.
Marami mang nakanselang film festivals ngayon sa buong mundo, ito na marahil ang pinakamakasaysayan sa lahat, ebidensyang walang distansya ang kapangyarihan ng sining na makatulong sa birtwal at aktwal na mundo kahit na nasa gitna tayo ng pandemya at sandamakmak na krisis.
Ang mga pelikula ay mula sa mga sumusunod:
- Annecy International Animation Film Festival
- Berlin International Film Festival
- BFI London Film Festival
- Cannes Film Festival
- Guadalajara International Film Festival
- International Film Festival & Awards Macao (IFFAM)
- International Film Festival Rotterdam, Jerusalem Film Festival
- Mumbai Film Festival (MAMI)
- Karlovy Vary International Film Festival
- Locarno Film Festival
- Marrakech International Film Festival
- New York Film Festival,
- San Sebastian International Film Festival
- Sarajevo Film Festival
- Sundance Film Festival
- Sydney Film Festival, Tokyo International Film Festival
- Toronto International Film Festival
- Tribeca Film Festival, and Venice Film Festival.
SHORT FILM:
1. The Distance Between Us and the Sky – ★★★★★
2019 🇬🇷🇫🇷
📽️✍️ Vasilis Kekatos
Link: https://www.youtube.com/watch?v=bK4rECAoXAE
Shotgun. Magkabilaan ang usok ng pag-ibig. Estranghero man ang lenggwahe ng negosasyon, wala pa ring agwat at kasarian ang pagmamahal.
2. Anna – ★★★★★
2019 🇺🇦🇬🇧🇮🇱
📽️✍️ Dekel Berenson
Link: https://www.youtube.com/watch?v=gRwdd2bLgHo
Araw-araw ang trahedya ng klasipikasyon mula sa pisikal na itsura hanggang sa estado ng buhay ng isang tao. Kailangang bumalikwas. Walang mali kahit paulit-ulit tayong hindi pinipili.