Wala sa plano ang lahat. Tulad ng mga nakaraang taon, hindi natin tantyado ang lagay ng panahon at mga pagkakataon.
Mabilis na umeksena ang 2019. Perstaym ko yatang makagawa ng marami-raming tula-tala-kapsula (https://arkibero.wordpress.com/category/pelikula/) ng mga pelikulang nabosohan ko kahit na may ilang ‘di masaya. Masaya ring lagumin sa blog ang mga film festival sa Pilipinas (ewan ko pala ‘yung MMFF) at masaksihan sa unang pagkakataon ang Virgin Lab Fest (https://arkibero.wordpress.com/category/dula/) na ilang taon ko nang binabalak. Hindi ‘to maintindihan ng karamihan ng mga kakilala. Bakit daw mahilig ako manood at magsulat? Wala raw akong napapala. Na sinasagot ko nang bakit din nila ginagawa ‘yung madalas nilang ginagawa? Bisyo. Naniniwala pa rin kasi akong kelangan natin ng sining sa katawan, higit sa kahit ano pa man, dahil maaaring ekstensyon din ito ng pag-aaral at pagpapatalas ng pulitikal nating paniniwala.
Nakakaburyong ang mundo. Sobra, lalo na, habang nadadagdagan ang edad mo. Siguradong lahat tayo ay may kanya-kanyang diversion para panandaliang makalimot. Makitid man o malawak, kelangan natin ng eskinita, upang maibsan ang toksisidad sa buhay, trabaho, pag-aaral at relasyon.
Unambeses ko palang maging aktibo sa isports. Aksidente ang lahat dahil hirap na hirap akong makabuo ng isang set sa inenrolan ko dating gym. Hikain ako at paminsan-minsang dinadalaw ng hayblad kaya hindi na dapat pabayaan ang pisikal na katawan. At dahil makapal ang mukha ko, multisports na agad ang pinatulan ko dahil malapit na ko mag-trenta. Hindi ako marunong tumakbo, medyo marunong lang lumangoy dahil laki akong ilog at dagat. Pagkatapos ng tatlong buwan na pag-eensayo (Salamat, teammates at sobrang salamat, Coach!), sumalang agad ako sa dal’wang aquathlon (swim&run) na tatlong linggo lang ang pagitan no’ng Setyembre at Oktubre. Himala kung paano ako nakakarating sa finish line.
Nitong nakaraang taon lang din ako medyo nakapag-ikot namPilipinas. Napadpad sa Zamboanga at Basilan no’ng Pebrero kasama ang mga dating kaklase at bumalik sa Cebu at Pampanga para bisitahin ang mga pinoproyekto sa trabaho. Masaya ring makasabit sa training ng Tri-Natin Team sa Zambales no’ng Disyembre dahil perstaym ko makalangoy nang dalawang kilometro sa dagat at makatakbo nang sampung kilometro sa mabundok na parte ng Subic.
Solo rin akong naligaw sa tatlong bansa no’ng Abril. Dal’wa lang ang kakilala. Bumalik ako ng πΈπ¬ bago mag-Pasko. Mas marami nang kakilala. Gabi-gabing senglot. No’ng atrenta lang ako nakauwi. Naglalaway pa rin ako sa salted egg pork na halos inaraw-araw ko (hawak ko sa larawan). Ngayon, nandito na ulit ako sa Laguna. Nagsusulat nang ganito para ipaalalang walang imposible sa buhay kahit na pakiramdam natin mas matimbang ang lungkot at pagsubok.
Andami pang nangyari at ambilis ng mga pangyayari. Ngayong 2020, kahit malabo pa rin ang lahat at marami pa rin tayong dapat baguhin sa sistema, malinaw sanang payt nang payt pa rin sana tayo sa lahat ng aspeto. Gawin pa rin dapat natin ‘yung mga bagay na nagpapasaya sa atin.
Marami tayong dapat ipagpasalamat kahit malungkot maging tao dahil masaya namang magpakatao.
Salamat sa mga bagong nakilala, sa mga nawala at matagal nang kakilala. Andami-dami n’yo. Subukan kong mas lumalim pa ‘yung relasyon. Chrt.
Happy Day 1. Kaya natin ‘to. Kahit tinamad ako maligo.