
Mayk & Lans & Deo. Ang malabong (mata) version ng Vince & Kath & James.
Year 5 ko ngayon ng Cinemalaya: http://arkibero.wordpress.com/2018/08/14/lagom-14th-cinemalayas-wings-of-vision/
Anib ko na rin nang pagbabalik sa blog na nagsimula sa pagpapaskil ng dalawang tula after a 3-year hiatus in blogging. Naks! Pa-relevant. Haha: https://arkibero.wordpress.com/2018/07/
Dahil tsambang um-attack ang dalawang tropa mula sa Quezon, naging magana ang kwentuhan ng ilang mga bagay-bagay tungkol sa buhay-buhay partikular sa depresyon, desperasyon at aspirasyon. Ito ay matapos bosohan nang lampas sa apat na oras ang obra maestrang nagbukas ng Cinemalaya:
OPENING FILM:
Ang Hupa – ★★★★½
2019 🇵🇭
📽️✍️ Lav Diaz
Identipikasyon ng diktadurya. Nawawalang araw. Naglalahong ulirat. Pagputok ng bulkan. Pagdilim ng kasaysayan. Buwang ang pangulo. Hindi bulaan ang propeta.
PREMIERES:
1. Misterio de la Noche / Mystery of the Night – ★★★★
2019 🇵🇭
📽️✍️ Adolfo Alix Jr.
✍️ Rody Vera × Maynard Manansala
Wakwak na persona. Ginagahasang soberanya. (H)istorya. Isterya. Ebolusyon. Rebolusyon.
2. Bamboo Dogs – ★★★½
2018 🇵🇭
📽️✍️ Khavn
✍️ Achinette Villamor × Homer Novicio × Norman Wilwayco
Aparato ng estado, unipormado at merkado. Umaandar na ataul. Tumatahol na nilalang. “Ang mundo ay isang palapag lamang.”
FILMS IN COMPETITION
1. John Denver Trending – ★★★★★
2019 🇵🇭
📽️✍️ Arden Rod Condez
Binabalisawsaw na interogasyon. Kultura ng pambubuska at kawalan ng pananagutan. Birtwal at aktwal na karahasan. Nagmumulto. Nagmamantsa. Nangongonsensya.
2. Edward – ★★★★
2019 🇵🇭
📽️✍️ Thop Nazareno
✍️ John Paul Bedia × Denise O’Hara × Sarah Pagcaliwagan-Brakensiek
Mor(t)alidad. Agaw-buhay na relasyon. Bulnerable. Morge. Pasyente. Pasensya.
3. Belle Douleur / A Beautiful Pain – ★★½
2019 🇵🇭
📽️ Joji Alonso
✍️ Therese Cayaba
Antigong relasyon. Mayo at Disyembre. Nagtatalik na lungkot. Bagets at tita. Buo na ang pasya. Paubaya at paglaya.
VISIONS OF ASIA:
沦落人 (Lun lou ren) / Still Human – ★★★½
2018 🇭🇰
📽️✍️ Oliver Siu Kuen Chan
Paralisadong panahon. Bulnerableng sitwasyon. Walang limitasyon. Lenggwahe ng respeto. Pagkatao. Pangarap. liTRATO.
CLOSING FILM:
Mina-Anud – ★★★½
2019 🇵🇭
📽️✍️ Kerwin Go
✍️ Stephen Lopez
Tone-toneladang problema. Dagat ng dyseuphoria. Komedya. Trahedya. Buwaya sa probinsya. PDEA.
Pingback: Aparato ng Estado: Lagom ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 | Arkibero·
Pingback: May Palabas Kahit Bawal Lumabas: Lagom ng Cinemalaya 2020 | Arkibero·