Perstaym ko um-attack sa Virgin Labfest (VLF) na kinse anyos na ngayong taon. Akala ko, hindi na naman ako matutuloy, taon-taon ko na lang kasi binabalak na dumalo kasi gusto ko talagang magsulat pero ngayong taon, abala na naman ako sa trabaho dahil ilang buwan na kong solo sa departamento at dahil busy-busyhan sa isang training na ewan kung kakayanin ng puso ko.
Pero espesyal ang mga piyesa ng VLF kaya hindi na dapat isnabin. Bitbit ang temang “Titibok-tibok,” mabisa ang mga pagganap na tumerno sa mga diyalogo ng labindalawang dulang may isang yugto na napili mula sa 207 manuskritong ipinasa. Bukod sa mga ito, interesante rin ang tatlong nangungunang dula mula sa VLF 14 at ang staged readings.
12 ONE-ACT PLAYS (SET A, B, C, & D):
1. A Family Reunion – ★★★★★
2019 🇵🇭
✍️ Anthony Kim Vergara
📽️ Ian Segarra

Pag-alis. Pag-uwi. Pangungulilala. Pag-unawa. Pag-ambon sa pisngi.
2. Wanted: Male Boarders – ★★★★★
2019 🇵🇭
✍️ Rick Patriarca
📽️ George De Jesus III

Pansamantalang tirahan: “Makalipas ang isang buwan.” Permanenteng batayan: “Ang feelings, universal; ang prejudice, wit.”
3. Anak Ka Ng – ★★★★½
2019 🇵🇭
✍️ U Z. Eliserio
📽️ Maynard Manansala

Sangay at sungay. Susmarya. Tumatayo, tumataya. Tinapa, tipaklong, teteng, tokwa.
4. Ang Pag-uulyanin ni Olivia Mendoza – ★★★★
2019 🇵🇭
✍️ Rolin Miguel Obina
📽️ Phil Noble

Sintomas. Utal-utal na alaala. Signos. Hindi mamukhaan. Senyales. Walang bahag ang hari.
5. Fangirl – ★★★★
2019 🇵🇭
✍️ Herlyn Alegre
📽️ Charles Yee

Punit na tiket. Anatomiya ng pantasya. Gamot sa lungkot. Debosyon. Desisyon. Desperasyon.
6. Huling Hiling ni Darling – ★★★★
2019 🇵🇭
✍️ Raymund Barcelon
📽️ Ricardo Magno

Kritikal na agwat. Naghihingalong relasyon. Agaw-buhay. Lipat-bahay.
7. Larong Demonyo – ★★★½
2019 🇵🇭
✍️ Nicolas Pichay
📽️ Jose Estrella

Traumatikong memorya. Istratehiya. Taktika. Pinta ng protesta. Opensa. Depensa. Kontradiktoryong kondisyon. Noon. Ngayon. Patibong. Lason.
8. The Unreachable Star – ★★★½
2019 🇵🇭
✍️ Layeta Bucoy
📽️ Mara Paulina Marasigan

Kondisyon ng posibilidad. Hindi na sigurado. Wala na sa tono.
9. Isang Gabing ang Buwan ay Hila-hila ng Gula-gulanit na Ulap – ★★★
2019 🇵🇭
✍️ Ryan Machado
📽️ Paolo O’ Hara

Napunit ang dilim sa putok ng baril habang ang isa’y nagbabaon ng alinlangan at ang isa nama’y naghuhukay ng sariling libingan.
10. The Bride and the Bachelor – ★★½
2019 🇵🇭
✍️ Dingdong Novenario
📽️ Topper Fabregas

Diskoneksyon. Meron nang kontrata. Sampung taon. Hindi matatapos ang kabanata.
11. Surrogare – ★★½
2019 🇵🇭
✍️ Jose Dennis Teodosio
📽️ Roobak Valle

Anib. Anak. Bata. Bisita. Kipkip. Kupkop. Ampon. Subrogasyon.
12. Wala nang Bata (r)ito– ★★
2019 🇵🇭
✍️ Sari Saysay
📽️ Tanya Lopez

Dumadaming labada. Kumukonting isda. Bumabatang bilanggo. Nilalambat ng opresyon.
3 REVISITED PLAYS (SET E):
1. River Lethe – ★★★★★
2018 🇵🇭
✍️ Allan Lopez
📽️ Chris Martinez

obSESYON: Eskapista × Pugante × Takas.
disPOSISYON: Temporal × Panandalian × Pansamantala.
2. Edgar Allan Hemingway – ★★★★★
2018 🇵🇭
✍️ Carlo Vergara
📽️ George De Jesus III

Personalidad at kredibilidad. Laway sa mga pahina ng pantasya at pandaraya.
3. Mga Eksena sa Buhay ng Kontrabida– ★★★★½
2018 🇵🇭
✍️ Dustin Celestino
📽️ Roobak Valle

Distansya ng konsikwensya. Komosyon at kontradiksyon. Walang natural na kontrabida dahil meron pang posisyon sa gitna ng nagtutunggaliang puwersa.
Pingback: Aparato ng Estado: Lagom ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 | Arkibero·
Pingback: Birtwal na Telon: Lagom ng Virgin Labfest 2020 Premiere Week | Arkibero·