
Kuha ang larawan no’ng Cinemalaya 2017
Ngayon ko lang ‘to ginawa.
Year 4 ko na ngayon ng Cinemalaya na nagsimula no’ng 2015 nang lumuwas ako sa Maynila at pultaym na magtrabaho sa construction no’ng naghihingalo na ang 2014. Medyo dismayado pa ‘ko no’n kasi shorts lang ang in competition, nagka-internal na problema kasi yata ang filmfest kaya nag-reboot.
Ngayong taon, binuksan ng Buybust ang filmfest na pinalabas na nationwide, dal’wang araw bago mag-Cinemalaya, kaya hindi na ‘ko um-attack sa opening.
Medyo mahirap ang biyahe pa-CCP dahil manggagaling ako sa Valkyrie…este sa BGC pala (pasintabi sa pelikulang ML) tapos iyakin pa ‘yong langit kaya para mabilis na matapos, kinumpleto ko agad ‘yung full-length films in competition no’ng Aug. 4 & 5. Kalakhan ay tumutungkol sa diktadurya, tunggalian, katandaan, kasarian at kalungkutan. Narito ang kabuuan ng mga personal kong listahan:
FULL-LENGTH FILMS
1. Liway – 🔟 (https://goo.gl/Cq1ryM)
2. Pan de Salawal – 🔟 (https://goo.gl/3gj8eQ)
3. Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon – 9️⃣ (https://goo.gl/e2kt3B)
4. Dis t a n c e – 9️⃣ (https://goo.gl/UHEKr3)
5. Kuya Wes – 8️⃣ (https://goo.gl/bmWDJA)
6. ML – 8️⃣ (https://goo.gl/v5f5L7)
7. Musmos na Sumibol sa Gubat ng Digma – 6️⃣ (https://goo.gl/tn5bbm)
8. Mamang – 4️⃣ (https://goo.gl/wxWHSK)
9. The Lookout – 3️⃣ (https://goo.gl/oivCvk)
10. School Service – 3️⃣ (https://goo.gl/9uEES4)
ACTRESS
- Glaiza De Castro (Liway)
- Miel Espinoza (Pan de Salawal)
ACTOR
- Eddie Garcia (ML)
- Dante Rivero (Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon)
SUPPORTING ACTRESS
- Therese Malvar (Distance × School Service)
- Madeleine Nicolas (Pan de Salawal)
SUPPORTING ACTOR
- Soliman Cruz (Liway × Pan de Salawal)
- Menggie Cobarrubias (Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon)
DIRECTOR
- Che Espiritu (Pan de Salawal)
- Carlo Catu (Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon)
SCREENWRITER
- John Carlo Pacala (Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon)
- Che Espiritu (Pan de Salawal)
EDITOR
- Chuck Gutierrez (Liway)
- Thop Nazareno (Kuya Wes)
CINEMATOGRAPHER
- Mackie Galvez (Distance)
- Mark Joseph Cosico (Musmos na Sumibol sa Gubat ng Digma)
PRODUCTION DESIGNER
- Mark Sabas (ML)
- Aped Santos (Musmos na Sumibol sa Gubat ng Digma × Liway)
SOUND DESIGNER
- Mikko Quizon (Pan de Salawal)
- Wildsound (Musmos na Sumibol sa Gubat ng Digma)
MUSICAL SCORER
- Erwin Fajardo (Kuya Wes)
- Pearlsha Abubakar (ML)
POSTER
- Distance
- Liway
Hindi na ‘ko nakapag-Shorts A dahil sa tindi ng ulan no’ng Aug. 11 kaya ‘di ko na nabosohan ‘yung Jodilerks, Logro at Nangungupahan. Available naman online at napalabas na sa ibang filmfest ‘yung dal’wang pelikula kaya nakapito ako.
SHORT FILMS
1. Si Astri Maka si Tambulah – 9️⃣
2. Sa Saiyang Isla – 8️⃣
3. You & Me & Mr. Wiggles – 8️⃣
4. Babylon – 6️⃣
5. Siyudad sa Bulawan – 6️⃣
6. Yakap – 4️⃣
7. Kiko – 4️⃣
Wala sa plano pero nabosohan ko rin ang silent film output ng mga nag-enrol sa Cinemalaya Institute 2018 na minentoran ni Carlos Siguion-Reyna.
- For Sale – 8️⃣
- To Remain is to Have Been Left – 8️⃣
- Poly – 7️⃣
- Bah-di – 6️⃣
- Anamnesis – 6️⃣
- Parfum – 5️⃣
- Urong-Sulong – 4️⃣
- Sundowning – 4️⃣
- Succulents Forever – 4️⃣
- Samantala – 3️⃣
- 2:59am – 3️⃣
Kung papansinin, binalanse ang maaaksyong pagbubukas ng festival nang matimpi nitong pagsasarado. Terno sa closing film ang The Chanters na ‘di ko nabosohan no’ng QCinema 2017 at muntik ko nang ‘di ulit mapanood dahil mabilis na napuno ang CCP Dream Theater.
1. Buybust – 🔟 (Opening Film)
2. The Chanters – 8️⃣ (Visions of Asia)
3. Mi hua zhi wei / The Taste of Rice Flower – 8️⃣ (Closing Film)
So ayun, nagba-blog na ulit ako. Sayang naman kasi na naging adiksyon ko ‘yong pagsasalpak at pagkakalikot ng mga widgets sa blog 10 years ago.
Galing nga pala ang mga imahe nampelikula sa IMDB.
Longlib!
Pingback: Paglipad ng Haraya, Pagputok ng (H)istorya: Lagom ng Cinemalaya 2019 | Arkibero·
Pingback: May Palabas Kahit Bawal Lumabas: Lagom ng Cinemalaya 2020 | Arkibero·