SPARK COMPLAINT DESK REPORT
TIME: Quarter to 12:00 a.m.
DATE: 31[?] April 2006
CITY SECTION: S’office mo [Supismo]
PRECINCT: 13th
RECEIVED BY: Publication Command
SWITHBOARD STAFFER: Patrol Editor Maykelokotkotkot
ADDRESS: Deveza Compound, Miramonte Subd., Lucban, Quezon
FLOOR: 2nd
NAME OF COMPLAINANT: Michael C. Alegre
CRIME REPORTED: Harlotry [?]
DETAILS: Nang ikampay ng kalapati
iyong kanyang mga bagwis
pabulusok sa kababaan ng kaimbihan,
the plaintiff can hardly help his self
to squeeze out sorrow:
“Manainga kayo!
Higit yaong mga taong nagbabalat-kayo
sa lupit ng panahong nambubuyo…
Hala’t kayo’y mangasipagbago, lumayo;
iwasan nang kumapit sa talim ng kutsilyo!!!”
He then uttered:
Scornful glance
ang inihagod ko sa kanya
nang minsang harangan niya ko,
doon sa may kanto,
kasunod nang pag-usal ng natatanging presyo.
Napatda ako!
Dagling hindi nakakibo
nang mapagsino kong
kolehiyala itong kaharap ko!
Tuluyan pa akong natikom,
gulilat na napalunok nang sunud-sunod,
‘pagkat noon ko lang napagtanto
ang kakatwa niyang hitsura.
Isang makapanginig laman palang awra
ang sa harap ko noo’y nakapustura
dahil sa ipinangangalandakan niyang―
Micro mini-skirt…
Kapirasong tela.
Tinipid ng modista.
S’yempre, litaw ang hita!
Strapless…
Minsan pa’y hapit na blusang walang manggas.
Puno ng dibdib, prenteng namamalas―
gumagalaw nang lantaran, malapit nang umulagwa!
Lipstick…
Labing namumula’t nanlalagkit,
kumikibut-kibot habang namimilaylay, ngiting nang-aakit.
Winawatasan ng matang pumipilantik.
Big-circular earrings…
takaw-tingin kahit mumurahin.
Nakasabit nang mariin;
sa taingang nangangalay, lalambi-lambitin.
Make-up…
Sanlibong butil ng pulbos, ipinatse
sa mukhang ganap pang inosente
upang magmukhang malanding kiti-kiti,
este!
kaakit-akit palang babae [?].
Highlight…
Buhok na isinunod daw sa moda,
hayu’t sali’t salitang kulay, nakaburda.
Mistulang naglangoy sa agua oxihenada,
tumingkad tuloy lalo, pagkaburingkantada!
―SCREEEEEECHH!!!
Everything came to an instantaneous stop
when a car passed by, almost hitting us!
After the initial shock wore off,
ang kaharap kong manhid,
biglang napaismid
nang ‘di ko sang-ayunan kanyang ipinabatid.
Naging iritada,
nilamon ng pagkasuplada!
Ang kaharap kong pormada,
nang tanggihan ko’ng mga propaganda,
bigla ba naman akong minura:
“Puta!!!” ang lutong!
[Ang hirap mawalan ng pera,
gagawin lahat para sa nagwawalang sikmura.
Sukat ba namang katawa’y ibandera!
Haaayyy…buhay na walang gara,
pagkatao’y sinisira!
Nagkasabit-sabit, nagkabara-bara
sa “lalamunang natinik” ang kapara…
Grrrr!!! Tunay na nakasusura
at naka-aawa ang haliparot
na sa daraanan ko noo’y nakabalandra!]